top of page
Magui Ford Planas at Robbie jaworski - IG.jpg

Pagtapyas sa ayuda, dagdag-pasanin sa mahihirap

Writer: BULGAR
BULGAR
55 minutes ago
1 min read

by Info @Editorial | November 27, 2026



Editoryal, Editorial


Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at hirap ng maraming Pilipino na pagkasyahin ang kanilang kita, nakababahala ang pagtapyas sa pondong nakalaan para sa ayuda.


Para sa mga mambabatas, maaaring numero lamang sa budget ang halagang binawas, ngunit para sa mahihirap na pamilya, katumbas ito ng pagkain sa hapag, pambili ng gamot at pantustos sa iba pang pangunahing pangangailangan.


Hindi masamang busisiin ang pondo para sa ayuda upang matiyak na hindi ito nagagamit sa pamumulitika o napupunta sa mga hindi kwalipikadong benepisyaryo. Gayunman, hindi dapat ang mahihirap ang magsakripisyo dahil sa mga pagkukulang sa pagpapatupad ng programa.


Kung may problema sa sistema ng pamamahagi, ayusin ang sistema. Kung may katiwalian, papanagutin ang mga sangkot.


Dapat ding malinaw na maipaliwanag kung bakit kailangang bawasan ang naturang pondo at kung paano matutugunan ang pangangailangan ng mga maaapektuhang benepisyaryo.


Hindi pangmatagalang solusyon sa kahirapan ang ayuda, ngunit habang kulang ang trabaho, mababa ang sahod at mahal ang mga bilihin, nananatili itong mahalagang sandalan ng maraming Pilipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page