top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Pagtapyas ng P10B sa 2024 budget ng DOH, pag-aralang maigi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 23, 2023


Marami ang pumalag sa panukala ng administrasyon na tapyasan ng sampung bilyong piso ang pondo ng Department of Health (DOH) sa panukalang P5.768 trilyon national budget sa 2024.

Pangunahin na sa mga kumuwestiyon ay ang grupo ng mga health workers.

Anila, sa halip na tugunan ang mataas na bayarin ng mga pasyente, hindi naa-access at hindi sapat na mga serbisyong pangkalusugan at malubhang kakulangan sa health workers, binawasan pa ang budget na puwede sanang magamit para maresolba ang mga ito.

Taliwas umano ito sa 2024 budget message ni Pangulong Bongbong Marcos na ang kalusugan ang kanyang pangunahing prayoridad.

Kabilang umano sa balak bawasan ng pondo ay ang apat na national specialty hospitals na may malaking tapyas sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) subsidies. Ang Lung Center of the Philippines, may 32.81% bawas mula sa P835M ngayong 2023 ay P561M na lang sa 2024; National Kidney and Transplant Institute may 26.26% tapyas, mula sa P1.686B (2023) ay naging P1.243B (2024); Philippine Children’s Medical Center, binawasan ng 34.54%, mula sa P2.086B (2023) ay naging P1.366B (2024); at ang Philippine Heart Center, bawas ng 14.79% mula sa P2.137B (2023) naging P1.821B (2024).

Batid naman natin na kailangan pa rin ng DOH ang pondo dahil ang bansa ay naaapektuhan pa rin ng COVID-19 pandemic sa kabila ng pag-alis ng state of public health emergency.


Nakababahala ang pagtapyas ng napakalaking budget bagay na dapat pag-aralang maigi ng Kongreso. Busisiin nang husto upang matukoy ang mga paraang maaari pang gawin.


Sa huli, wala naman tayong ibang hangad kundi ang mapabuti ang kalagayan ng mga pasyente at mga health workers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page