Pagtanggi sa pagpirma ng panibagong kontrata
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 23, 2022
Dear Chief Acosta,
Ang aking asawa ay nagtatrabaho sa construction firm. Una siyang na-hire bilang laborer para sa structural phase. Nang matapos ito, siya ay ni-rehire muli para naman sa architectural phase. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay sinabihan siya na kailangan i-update ang kanyang records at siya ay pinagre-report sa head office para pumirma ng panibagong kontrata. Tinanggihan ito ng aking asawa kaya siya ay umalis na lamang at hindi na nag-report muli sa trabaho. Ito ba ay maaaring ikonsiderang constructive dismissal? - Diana
Dear Diana,
Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng Korte Suprema sa kasong Reyman G. Minsola v. New City Builders, Inc. and Engr. Ernel Fajardo (G.R. No. 207613, January 31, 2018, Ponente: Retired Honorable Associate Justice Jose C. Reyes, Jr.), kung saan sinabi ng Korte Suprema na sa mga kaso ng constructive dismissal, dapat ay mapakita ng empleyado na ang kanyang employer ay nagdudulot ng work environment kung saan ang patuloy na pagtatrabaho ay naging imposible, hindi makatwiran o hindi kaaya-aya dahil mayroong pagbababa ng pwesto, o pagbabawas ng sweldo o mga benepisyo. Ayon sa Korte Suprema:
“In labor law, constructive dismissal, also known as a dismissal in disguise, exists “where there is cessation of work, because continued employment is rendered impossible, unreasonable or unlikely, as an offer involving a demotion in rank or a diminution in pay” and other benefits. There must be an act amounting to dismissal but made to appear as if it were not. It may likewise, exist if an act of clear discrimination, insensibility, or disdain by an employer becomes so unbearable on the part of the employee that it could foreclose any choice by him except to forgo his continued employment.”
In the case at bar, Minsola failed to advert to any particular act showing that he was actually dismissed or terminated from his employment. Neither did he allege that his continued employment with New City was rendered impossible, unreasonable or unlikely; nor was he demoted, nor made to suffer from any act of discrimination or disdain. Neither was there any single allegation that he was prevented or barred from returning to work. On the contrary, it was actually Minsola who stormed out of New City's office and refused to report for work. It cannot be gainsaid that there is no illegal dismissal to speak of where the employee was not notified that he had been dismissed from employment nor was he prevented from returning to his work.” (Emphasis Ours)
Tulad sa kaso ng iyong asawa, ang pagpapapirma ng panibagong kontrata para sa pag-update ng records ng kompanya ay hindi maaaring ikonsiderang diskriminasyon o insensibility, o disdain laban sa isang empleyado. Kung wala ng iba pang aksyon mula sa employer ng iyong asawa, hindi iyon sapat para sabihin na ang patuloy na pagtatrabaho ng iyong asawa roon ay naging imposible, hindi makatwiran o hindi kaaya-aya. Hindi rin iyon sapat para sabihin na ang iyong asawa ay nakaranas ng pagbaba ng posisyon, suweldo o benepisyo. Bagkus, ang kanyang hindi pagbalik sa trabaho ay naging boluntaryo maliban na lamang kung mapatunayan niyang siya ay pinigilang bumalik sa trabaho.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments