top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagtaas-presyo ng petrolyo, senyales na umuusad na ang ekonomiya!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 22, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 22, 2020



Nilabag ang protocol sa ‘dolomite beach viewing’.


Ngek!


◘◘◘


Puwede nang mag-abroad ang mga OFWs.


Dapat lang!


◘◘◘


Nanggugulo na rin ang mga taga-Europe.


Inggit lang sila!


◘◘◘


Abala na ang mga pulitiko sa 2022 elections.


Matagal na!


◘◘◘


Diretso lang sa pagsasarado ang malalaking negosyo.


Dahil mismo sa gobyerno!


◘◘◘


Wala nang gaanong talab ang COVID-19.


Siyempre, lumang balita na ‘yan!


◘◘◘


Binuksan na rin ang Subic sa turista.


Nainggit sila sa Tagaytay!


◘◘◘


Nag-i-inarte pa ang Baguio sa local tourism.


Buksan na kung bubuksan, anubaaa?


◘◘◘


Tumaas ang presyo ng petrolyo.


Sintomas nang umuusad na ekonomiya!


◘◘◘


Madaling matukoy kung aling lugar ang may pinakamasiglang ekonomiya.


Ito ay ang lugar kung saan maraming COVID-19!


◘◘◘


Ang mga lugar na walang COVID-19, ibig sabihin—stagnant ang kanilang ekonomiya.


Ganun lang kasimple!


◘◘◘


Nagbayad ng P19-M multa ang Meralco sa “bill shocked”.


Tsikenpid!


◘◘◘


May away muli sa Kamara.


Akala ko, bawal ang “sabong”?


◘◘◘


Sa totoo lang, ngayong Setyembre 22, naramdaman ang epekto ng Martial Law at hindi sa petsa-21.


Normal ang buhay sa petsa 21, pero bigla naging abnormal sa kasunod na araw.

Walang signal ang radio at telebisyon.


May curfew at maraming military sa paligid!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page