Pagtaas ng dolyar, sinasabayan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 10, 2022
EJK NG DUTERTE ADMINISTRATION, KINUKUNSINTE NG SOLGEN?—Hiniling ni Solicitor General Menardo Guevarra sa International Criminal Court (ICC) na huwag aprubahan ang hirit ng ICC-Prosecutor's Office na ituloy ang imbestigasyon sa kasong crimes against humanity kaugnay sa extrajudicial killings (EJK) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang hirit na 'yan ng SolGen sa ICC ay pagpapakita na kinukunsinte nito ang EJK sa Pilipinas.
◘◘◘
HABANG PATULOY NA TUMATAAS ANG HALAGA NG DOLYAR, PATULOY DIN NA TATAAS ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN—Mula sa dating P57 kada isang dolyar na exchange rate, pumalo na sa P57.18 sa kada isang dolyar.
Ibig sabihin, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng isang dolyar sa Philippine money, eh, ang katumbas niyan ay ang patuloy din na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.
◘◘◘
NAG-ALOK NA NGA SI BATANES GOV. CAYCO NG BAWANG PARA SA MGA LUGAR NA KAPOS NG SUPPLY NITO, SINISI PA NI DA USEC. PANGANIBAN ANG BATANES NA TANIM DAW NANG TANIM NG BAWANG KAYA MARAMING SUPPLY—Dahil sa kakapusan ng bawang sa bansa, ibinida ni Batanes Gov. Malou Capco na sobra-sobra ang bawang sa kanilang lalawigan at ito ay nasa 25 tonelada, na kung gusto ng DA (Dept. of Agriculture) na bilhin ito para ibagsak sa Metro Manila at sa mga lalawigan na kapos ang supply ng bawang ay handang magbenta ang Batanes.
Imbes na purihin ni DA Usec. Domingo Panganiban ang sinabi ni Gov. Capco, aba, sinisi pa ang gobernadora at mga magsasaka sa Batanes at pinagsabihan na hindi dapat nagtatanim nang nagtatanim ng bawang para hindi nagkakaroon ng oversupply ang kanilang lalawigan.
◘◘◘
BAKA NAMAN ANG MANGYARI, ANG BUDGET NA INALIS SA IBC-CHANNEL 13 AY SA MGA TROLLS LANG MAPUNTA—Talaga nga yatang wala nang plano ang mga kongresista na bigyan ng budget ang government TV station na IBC Channel 13 na magiging dahilan para magsara ito next year at mawalan ng work ang daan-daang empleyado nito.
Hay naku, baka naman ang mangyari, na 'yung budget na inalis sa IBC ay mapunta lang sa mga troll?





Comments