Pagsusuri ng konsensya at pagbabalik-loob, diwa ng Semana Santa
- BULGAR
- Apr 16
- 1 min read
by Info @Editorial | Apr. 16, 2025

Tuwing Semana Santa, binibigyan tayo ng pagkakataon upang magnilay, magbalik-loob, at muling maunawaan ang kahulugan ng pananampalataya.
Sa gitna ng ‘ika nga’y abalang mundo, ang panahong ito ay paanyaya na tumigil, mag-isip, at damhin ang sakripisyong inialay ni Hesus para sa sangkatauhan.
Hindi lamang ito isang tradisyon ng pag-aayuno, pabasa, o mga prusisyon. Higit sa lahat, ito ay isang pagsusuri sa ating konsensya at pagbabalik sa Diyos. Ang paggunita sa Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay ay paalala ng walang hanggang pag-ibig at pag-asa.
Ngayong Semana Santa, nawa’y hindi lamang sa ritwal tayo magtuon. Sa halip, tangkilikin natin ang katahimikan, manalangin nang taos-puso, at pagnilayan kung paanong maipapamalas ang kabutihan at malasakit sa kapwa, pamilya, at sa lipunan.
Nawa’y ito ang magsilbing inspirasyon natin upang mamuhay nang may pananampalataya, pag-ibig, at pagkakaisa.
Comments