top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagsuspinde sa ‘pasa tax’ sa kuryente, oks

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 12, 2023


Bukod sa dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin, isa pa sa alalahanin ng taumbayan ay ang tila hindi mapigilang taas-singil sa kuryente.


Parang sa petrolyo, kapag sinabing may price hike, hindi makakapalag ang mga motorista, pikit-mata na lang habang nagpapakarga. Ganundin sa kuryente, ‘pag nag-abiso na may pagtaas sa singil, ang tanging magagawa ay ang magtipid.


Kaya mabuting hakbang ang ginawa ngayon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ipahinto sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagpapataw ng 3% franchise tax sa konsyumer.


Maituturing na panalo ng konsyumer ang desisyon ng ERC dahil ilang taon nang ginagawa ng NGCP ang tinatawag na “pasa tax”.


‘Ika nga ng isang mambabatas, ito ay paalala sa mga enterprises na kailangan nilang maging patas at panatilihin ang integridad.


Kapag naipatupad ang suspensyon, mababawasan ng P0.0135 – P0.0165 per kilowatt hour o P37.32 kada taon ang bayarin sa kuryente ng konsyumer.


Umaasa tayo na ipagpapatuloy ng ERC ang pag-aaral at pagrerebyu sa polisiya at sistema ng paniningil sa kuryente. Dapat na matiyak na hindi naaagrabyado ang taumbayan. Hindi naman tayo naghahangad ng sobrang murang kuryente, kundi ‘yung singil na makatotohanan at makatao.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page