top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pagsuspinde sa Cha-cha, dapat lang para iwas-gulo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2024
1 min read

@Editorial | Enero 31, 2024


Dahil sa lumalalang tensyon, tila mauudlot ang isinusulong na Charter change (Cha-cha). 


Kung saan, sinuspinde na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng proceedings hinggil sa kontrobersyal na people’s initiative (PI) para sa Cha-cha na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution.Kabilang din sa sinuspinde ang pagtanggap ng mga signature form upang maiwasan umano ang mga problema, kaguluhan, at hindi pagkakaunawaan.


Kamakalawa naman ay nagpahayag si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nag-aalala siya sa nangyayaring gusot sa pagitan ng Kamara at Senado, na nag-ugat sa pagsusulong ng PI.


Dahil dito, umapela rin ang Pangulo na itigil na ang pagsusulong ng people’s initiative dahil lumalala na ang “political crisis” sa kapulungan ng dalawang Kongreso.


Kung pinag-aralang mabuti at hindi nagpadalus-dalos sa pagsusulong ng Cha-cha, hindi tayo aabot sa punto na nagkakagulo ang ating gobyerno, kung saan pati tayong mga mamamayan ay nadadamay sa mga maling desisyon.


Sa totoo lang, mayroon namang mga posibleng hakbang na hindi maaaring makaapekto sa ating Konstitusyon.


Tila nagiging pahirap na sa ating lipunan ang pagsusulong ng Cha-cha, kaya mas mabuti siguro na pag-aralan ito at palamigin muna ang sitwasyon bago pa ito mas lumala.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page