Pagsuspinde ni MTRCB Chair Lala sa show ni Digong sa SMNI, sure na kay Tito Sen magbu-boomerang
- BULGAR
- Dec 21, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 21, 2023
KINILALA NG BUONG MUNDO ANG KAHUSAYAN SA PUBLIC SERVICE NI VP SARA -- Ginawaran ng Quality Management System (QMS) ng 3 years recertification for ISO (International Organization for Standardization) ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte-Carpio at ang tatlong satellite office ng Office of the Vice President (OVP) na nakabase sa Davao, Panay at Negros.
Patunay ‘yan na kinikilala ng buong mundo ang kahusayan ni VP Sara sa paghahatid serbisyo sa mamamayang Pinoy, palakpakan naman d’yan!
◘◘◘
LULUGU-LUGO ANG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIAN KASI NGA BUO PA RIN PALA ANG UNITEAM NG MARCOS AT DUTERTE -- Sa apat na araw (Dec. 15-18, 2023) na pagbisita ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa Japan, ang ginawa niyang Officer-in-Charge (OIC) para mamahala sa Pilipinas habang nasa labas siya ng bansa ay si VP Sara.
Dahil d’yan ay lulugu-lugo ang mga pulitikong anti-Duterte kasi akala nila hindi na buo ang UniTeam ng Marcos at Duterte, ‘yun pala ay buo pa, period!
◘◘◘
PAGSUSPINDE NI MTRCB CHAIR LALA SOTTO SA TV SHOW NI EX-P-DUTERTE, TIYAK MAGBU-BOOMERANG SA KANDIDATURA NI TITO SOTTO -- Ang pagpataw ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Lala Sotto ng 15-days preventive suspension sa mga programa ng SMNI network tulad ng "Gikan sa Masa, Para sa Masa" nina ex-P-Duterte at Pastor Apollo Quiboloy at "Laban Kasama ang Bayan" nina Lorraine Badoy at Eric Celiz ay tiyak magbu-boomerang sa kandidatura uli sa pagka-senador ng ama niyang si former Senate President Tito Sotto.
◘◘◘
ALYAS ‘RICO’ TOKHANGIN NA PARA MATIGIL NA ANG BAD NA GAWAIN NITO SA BATANGAS -- Ang isang alyas "Rico" na lider ng "Paihi Gang" sa Batangas City, ay siya rin daw ang protektor ng mga gambling lord at drug lords sa lalawigan ng Batangas.
Dapat ipa-tokhang na ni Batangas PD, Col. Samson Belmonte si alyas "Rico" para matigil na ang mga bad na gawain nito sa Batangas, period!





Comments