Pagsasapubliko ng SALN, epektibong hakbang laban sa korupsiyon
ni Ka Ambo - @Bistado | November 04, 2020
Hinamon ang liderato ng Kamara na isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Ito ay epektibong hakbang laban sa korupsiyon.
Klap, klap, klap!
◘◘◘
MISMONG si Act Teachers Partylist Rep France Castro ang humiling sa kanyang mga kapwa mambabatas sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, House Majoriy Leader Martin Romualdez at iba pang matataas na opisyal ng Kamara na ilantad ang SALN alinsunod sa itinatakda sa Republic Act 6713.
Ayon kay Castro, dapat ang mga nasa public service ay may transparency at accountability isa itong hakbang para ipakitang hindi sangkot sa korupsiyon ang mga mambabatas.
“In the spirit of transparency, accountability and as stated in the RA 6713, all government employees and officials including my colleagues must show to the public their SALN”, pahayag ni Castro.
◘◘◘
MATATANDAANG 5 Makabayan bloc members ng Kamara ang naglabas na ng kanilang SALN kabilang dito sina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, and Eufemia Cullamat; ACT Teachers Rep. France Castro at Kabataan Rep. Sarah Elago.
Ang pagpapalabas ng SALN ng Makabayan Bloc members ay sa harap na rin ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang buong gobyerno sa katiwalian!
◘◘◘
SINABI ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na kung may sinseridad ang Pangulo laban sa korupsiyon, dapat maging modelo ang liderato ng Kamara at pangunahan ang pagpapalabas ng SALN.
Kinastigo rin ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang ginawanag paglilimita ng Office of the Ombudsman sa pag-access sa SALN.
Binatikos nito si Ombudsman Samuel Martires ang siyang dapat lumalaban sa korupsiyon pero nakapagtatakang tutol ito sa pagpapalabas ng SALN!
◘◘◘
NAILATHALA sa isang pahayagan ang pagsasampa ng kaso sa Ombudsman ng konsehal laban kay DPWH Regional Diretor Ronnel Tan, asawa ni Quezon Rep Angelina Tan.
Inakusahan siya na naghagis umano ng P2M sa mga bisita sa kanyang birthday party, pero itinanggi ni Tan ang alegasyon!
◘◘◘
ISA pa sa nais masilip sa mga SALN ay pagkakaroon ng conflict of interest ng mga government officials.
Isang isyu ay ang ulat na si House Speaker Velasco ay may shares sa San Miguel Corp base sa report mismo ng kumpanya noong 2017 kung saan pasok sa top 100 stockholders si Velasco.
Iniuulat din na may 2% shares sa Petron Corp ang kongresista base na rin sa annual report noong 2016 kung saan isa nang Kongresista si Velasco!
◘◘◘
MATATANDAANG sina dati at yumaong Chief Justice Renato Corona at dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay kapwa napatalsik sa puwesto dahil sa isyu sa kanilang SALN.
Taliwas sa mga kongresista, ibinisto ng mga senador ang kanilang SALN kung saan lumabas na pinakamayaman sina Sen. Cynthia Villar at Sen. Manny Pacquiao na may mahigit na tig-isang bilyong piso!





Comments