Pagsasama sa serye, naudlot… JULIA, BUNTIS DAW ULI, ANGEL, BAGONG LEADING LADY NI COCO
- BULGAR

- 4 days ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 13, 2026

Photo: Julia Montes, Coco Martin at Angel Locsin - FB
Balitang -balita na preggy na ulit si Julia Montes kaya hindi na niya kakayaning ituloy pa ang pagsasama nila ng karelasyong si Coco Martin sa seryeng Sigabo.
Ang tsika, si Angel Locsin na ang ipapalit sa role na dapat ay gagampanan ni Julia.
Para sa ilang netizens, mas okay kung si Angel ang makakapareha ni Coco sa Sigabo.
Magandang comeback project ito dahil maraming fans ang nasasabik na muling mapanood ang aktres sa telebisyon.
Sina Julia at Coco ay partners na in real life, mas makakabuti kung behind the camera na lamang ang kanilang tambalan.
Malaking action star si Coco Martin at big hit ang katatapos niyang action seryeng Batang Quiapo (BQ). Tiyak na aabangan ng kanyang mga fans ang Sigabo.
MARAMI ang nagtatanong kung nasaan na raw ang painting na iniregalo noon ni Cocoy Laurel sa mga anak ng yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Si Cocoy mismo ang nagpinta sa malaking larawan ng Superstar at ito ay inihabilin niya kay Lotlot de Leon nang dumalaw siya sa burol.
Nang pumanaw si Cocoy, naalala ng mga Noranians ang ginawa niyang painting ni Nora. Saan na raw napunta ang napakahalagang painting na regalo?
Sa ginanap na first death anniversary ni Nora, naitanong namin kay Ian de Leon kung nasaan na ang painting.
Pag-amin nito, nasa pangangalaga niya ang malaking painting na ginawa ni Cocoy
at balak nilang ilagay ito sa museum para kay Nora Aunor kasama ang iba pang memorabilia ng Superstar.
Napag-alaman din namin na nagpipinta rin pala ngayon si Ian at may ginagawa siyang painting ng kanyang Mama Guy. Ipakikita niya ito sa lahat kapag natapos na.
MARAMI ang pumupuri kay Arnell Ignacio na matapang na hinarap ang kanyang mga problema sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Sa halip na ma-depressed at panghinaan ng loob, nag-isip siya ng puwede niyang pagkaabalahan.
At dahil sanay siya sa negosyo, nagtayo siya ng lugawan sa Marikina, ang Lugaw Haus, na ngayon ay dinarayo na. Dito nalilibang si Arnell kaya pansamantala niyang nakakalimutan ang kanyang mga problema.
Umaasa naman ang mga kaibigan niya na maaayos din ang anumang naging problema niya sa OWWA.
Marami ang nagtitiwala sa integridad ni Ignacio at naniniwala na mangingibabaw din ang katarungan.
Samantala, gustong linawin ni Arnell na hindi totoong naghihirap na siya at nagtitinda na lang ng tinapa simula nang mawala sa OWWA. Nasa gilid ng Lugaw Haus ang puwesto ng nagtitinda ng tinapa. Hindi niya basta mapapaalis ito dahil matagal nang nagtitinda roon at nauna ito kesa sa kanya.
Ang Lugaw Haus ni Arnell Ignacio sa Marikina ay posibleng lumaki rin tulad ng paresan noon ni Diwata. Ang isang taong tulad niya ay hindi basta-basta sumusuko sa mga pagsubok ng buhay. Babangon at babangon siyang muli at ipagpapatuloy ang kanyang buhay.




Comments