Pagsalakay sa mga sex den, ‘wag tantanan
- BULGAR
- Nov 9, 2023
- 1 min read
@Editorial | November 9, 2023
Isa na namang pugad ng prostitusyon ang nabuking.
Sa isinagawang anti-human trafficking operation sa isang gusali sa Parañaque City, naaresto ang dalawang indibidwal.
Sa paunang impormasyon, nadiskubre sa ikapitong palapag ng gusali ang isang prostitution den at 16 na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking ang nailigtas.
Umaasa tayo na magpapatuloy ang pagsasagawa ng mga raid laban sa mga ilegal na aktibidad gaya ng lumalawak na prostitusyon.
Isa ito sa mga problema ng bansa na dapat mas matutukan dahil kapansin-pansing lumalala na at tila lantaran pa ang operasyon.
Sa rami ng isyu at kontrobersiya lalo na sa pulitika, huwag sanang mabalewala ang iba pang usapin at suliranin na sumisira sa kinabukasan ng bayan.
Dapat na mas maging masigasig sa pagtugis sa mga nasa likod ng ilegal na operasyon at patawan ng mas mabigat na parusa.
Kung madiskarte ang mga sindikato, dapat na maging mas mautak ang gobyerno para hindi sila makaporma.



Comments