top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

“Pagpupugay” para sa Itim na Nazareno, sinimulan ng mga deboto

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2023
1 min read

ni Lolet Abania | January 7, 2023



Nagsimula nang dumagsa ang mga deboto sa Quirino Grandstand sa Maynila ngayong Sabado para sa “Pagpupugay” o viewing and touching ng imahe ng Itim na Nazareno, isang aktibidad ito kapalit ng tradisyunal na “Pahalik” bilang pagsunod pa rin sa COVID-19 health protocols.


Ayon sa isa sa mga deboto, maaga pa silang nagtungo sa lugar kasama ang kanyang mga anak para sa “Pagpupugay”. Sinabi rin nito na doon na sila magpapalipas ng gabi sa grandstand habang naghihintay ng taunang Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9.


Ang Hijos del Nazareno ay itinalaga naman sa entrance patungo sa stage para i-spray ang mga dalang replika ng mga deboto na may langis.


Pagkatapos, i-sprayan ng Hijos ang mga kamay ng mga deboto na may alcohol sa pagdating nila sa paligid ng stage area para gawin naman ang paghawak sa paanan ng imahe ng Itim na Nazareno.


Ang paa o paanan ng Itim na Nazareno ay maaaring hawakan ng mga deboto sa pamamagitan ng maliit na butas sa likod ng stage.


Unang hahawakan ng mga deboto ang krus bago hawakan ang paa ng Nazareno at saka palang sila lalabas.


Isang Misa naman ang ginanap ng alas-6:00 ng umaga ngayong Sabado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page