top of page
Search
  • BULGAR

Pagpaskil ng mukha ng mga pulitiko kahit ‘di pa kampanyahan, tigilan na

@Editorial | Abril 10, 2024



Nagpalina na sa iba’t ibang parte ng bansa ang mga poster at propaganda material ng ilang mga pulitiko.


Hindi pa umano maaaring ipag-utos na tanggalin ang mga ito sapagkat wala pang hurisdiksyon ang poll body sa mga naglipanang posters dahil hindi pa nagsisimula ang paghahain ng certificate of candidacy.


Kaugnay nito, nilinaw naman ng Comelec na sa oras na magsimula na ito, tatanggalin na nila ang lahat ng nakabanderang poster at propaganda materials.


Batid natin na ang lahat ng ito ay kanilang ginagawa upang mapalapit na sa kanilang mga botante. 


Sa oras kasi na maghain na ng kandidatura sa 2025 midterm election, lahat ng kandidato ay pagbabawalan nang maglagay ng mga poster hanggang sa panahon ng pangangampanya. 


Kaya naglipana talaga ang ilang posters ng mga pulitiko kung saan nagpapaalala ang mga ito sa publiko na magmaneho nang ligtas na makikita sa national roads at highways lalo na nu’ng kasagsagan ng Holy Week.


Hindi man ito direktang pangangampanya, pero alam natin kung ano ang pakay ng mga pulitikong maagang pinapaskil ang kanilang pagmumukha sa kalsada.


Hindi man ito masasabing ilegal, pero ito ay masasabing hindi magandang galawan ng mga epal.


Paalala sa mga pulitiko, kung talagang may malasakit kayo sa bansa, ‘di na kailangang i-display ang inyong mukha, sapat na ‘yung pagpapakita ng malasakit at tulong sa kapwa.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page