Pagpasa sa panukalang Independent People’s Commission, pinabibilisan ni Sen. Pangilinan
- BULGAR
- 5 minutes ago
- 1 min read
by Info @News | November 6, 2025

Photo: Kiko Pangilinan / FB
‘BILISAN NA NATIN ANG LABAN KONTRA KORUPSIYON!’
Nanawagan si Senator Kiko Pangilinan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na i-certify bilang urgent ang Senate Bill No. 1215 o ang Infrastructure Anomalies Investigation Act of 2025 na layong bumuo ng Independent People’s Commission (IPC) upang mapabilis ang pagpasa nito.
Ayon kay Pangilinan, kailangan ng isang komisyon na may tunay na ngipin at “may kapangyarihang mag-imbestiga, magpataw ng contempt, at maglabas ng freeze orders laban sa mga sangkot sa mga anomalya sa mga proyekto ng gobyerno.”
“Walang exempted, walang sisinuhin — lahat dapat managot,” ani ni Pangilinan.




