top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagpapauwi sa mga Pinoy sa Israel, madaliin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 12, 2023
  • 1 min read

@Editorial | October 12, 2023


Nakalulungkot ang pagkumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na dalawang kababayan natin sa Israel ang napatay ng mga kasapi ng militanteng Hamas group.

Kaisa ng gobyerno, mariin nating kinokondena ang karahasang nangyayari.

Kaugnay nito, nakahanda na umano ang gobyerno ng Pilipinas na makipagtulungan sa iba pang mga bansa sa pagsusulong sa kapayapaan alinsunod sa mga resolusyon ng United Nations Security Council at mga pandaigdigang batas.

Napag-alaman na aabot na sa 51 Pinoy sa Gaza ang humiling para sa repatriation dahil sa banta sa kanilang seguridad sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas.

Sa ngayon, tinatalakay na kasama ang iba pang mga embahada kung paano makatutulong para sa posibleng repatriation.

Samantala, lahat ng 139 Pilipino sa Gaza ay ligtas naman umano sa gitna ng tumitinding bakbakan.

Umaasa tayo sa contingency plan at patuloy na pakikipag-ugnayan sa lahat ng Pinoy sa Israel at bantayan ang kanilang sitwasyon.


Sa atin namang mga kababayan na naiipit sa giyera, bukod sa panalangin, maging alerto at buksan ang isip sa mga bagay na mas dapat gawin.


Kapag sinabi na ng pamahalaan na mas mainam na umuwi na ng ‘Pinas, sumunod na sana tayo at huwag nang magpapilit. Isipin natin ang pamilyang naghihintay sa atin na tayo’y makakauwi nang buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page