top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagpapatigil sa mga ilegal na pasugalan, hamon kay P-BBM

BULGAR
Jun 15, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 15, 2022


‘ONLINE SABONG’, IPINATIGIL NI P-DUTERTE, KAYA’T SANA’Y IPATIGIL DIN NI P-BBM ANG ‘ONLINE SAKLA’–Sa isang utos lang ni P-Duterte ay napatigil na ang operasyon ng ‘online sabong’ sa bansa, pero ang masaklap, ang pumalit naman na kinahuhumalingan ng ating mga kababayan ay ang ‘online sakla’.


Ngayong June 30, 2022 ay bababa na sa pagka-pangulo si P-Duterte, at ang papalit sa kanya ay si Pres-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


Kaya’t sana, kapag nasa puwesto na si P-BBM ay ipag-utos din niya sa PNP na ipa-stop ang operasyon ng “online sakla” kasi sa totoo lang, marami na sa ating mga kababayan ang naaadik sa sugal na ito, boom!


◘◘◘


BAKA DAHIL SA SAKLA AY DUMAMI NA NAMAN ANG COVID-19 CASES SA ‘PINAS–Sa ngayon ay may mga gambling lords na raw ang nag-o-operate ng ‘saklang-patay’ at ‘saklang puwesto-piho’ sa Luzon.


Ang ‘online sakla’ ay sugal sa social media, no contact ito sa tao, pero ang ‘saklang-patay’ at ‘saklang puwesto-piho’ ay may direct contact ang mananaya at balasador, at ang ganitong uri ng mga sugal ay pinagkukumpul-kumpulan ng mga tao.


Dapat sa pag-upo ni P-BBM, bukod sa ‘online sakla’ ay ipagbawal din niya ang ‘saklang-patay’ at ‘saklang-puwesto piho’ kasi may COVID-19 pa sa ‘Pinas, na kung hindi mapatitigil ang ganyang uri ng mga sugal ay baka pagmulan na naman ng pagdami ng COVID-19 cases sa bansa, period!


◘◘◘


OPERASYON NG PERYA NG BAYAN-CON JUETENG SA RIZAL, CAVITE AT PANGASINAN, TULOY PA RIN–Inatasan ni P/Maj. Gen. Valeriano de Leon, director for operations ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng police regional at provincial commanders na hulihin ang lahat ng nag-o-operate ng Perya ng Bayan-con jueteng sa kanilang mga nasasakupan.


Ang kautusang ito ni Gen. De Leon ay noon pang June 9, 2022 pero ang masaklap, wala pa ring sumusunod sa kanyang order dahil hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang operasyon ng Perya ng Bayan-con jueteng nina “John Yap”, “Renel” at “Manalac” sa Rizal at Cavite at “Fajardo”, “Mat” at “Chito” sa Pangasinan, boom!


◘◘◘


KAPAG SI GEN. DE LEON ANG NAGING PNP CHIEF, LAGOT ANG MGA REGIONAL AT PROVINCIAL COMMANDERS NA HINDI NANGHULI NG GAMBLING LORDS–Isa si Gen. De Leon sa mga kandidato sa pagka-PNP chief pag-upo ni P-BBM sa Palasyo.


Kaya ‘yung mga regional at provincial commanders na hindi sumunod sa kautusan ni Gen. De Leon na hulihin ang mga gambling lords ng Perya ng Bayan-con jueteng ay tiyak na “may paglalagyan” kapag siya na ang PNP chief, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page