top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagpapalaya kay Pemberton, bakuna ang ‘kapalit’?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 11, 2020



Anibersaryo ng 9/11 attack sa New York.


Mas grabe riyan ang atake ng COVID-19!


◘◘◘


Anong petsa itatakda ang anibersaryo ng world wide pandemic?


Bahala na ang China na mag-petsa!


◘◘◘


Singkuwenta porsiyento ng mga estudyante dating nasa private school ay hindi na nakapag—enroll.


Itinatago ang datos hinggil dito!


◘◘◘


Bakuna raw ang kapalit ng pagpapalaya kay Pemberton.


‘Kano pa more!


◘◘◘


Isasarado ang mga sementeryo sa Undas.


Baka raw mahawa ng COVID-19 ang mga patay!


◘◘◘


Ideklara dapat ang buong buwan ng Oktubre bilang “30-day All Saints Day”.


Ito ay upang hindi magsabay-sabay sa pagdalaw sa mga patay!


◘◘◘


May diskriminasyon daw ang DENR.


Dapat daw ay hindi puro “white” ang ginamit na buhangin.


Kulay puti lang daw ba ang “malinis tingnan”?


◘◘◘


May mungkahi tayo—hatiin sa apat na bahagi ang Manila Bay Beach.


Lagyan ito ng magkakaibang kulay ng buhangin—puti, itim, dilaw at tsokolate!


◘◘◘


Maraming tao sa Metro Manila ay ngayon lamang nagsisiuwi sa mga probinsiya.


Anim na buwan silang stranded sa Kamaynilaan!


◘◘◘


Marami ang nagsasabing walang pag-asang makabalik sa normal hanggang Disyembre.


Kumbaga, see you next year na ang “greetings”!


◘◘◘


Ngayon lang din natin nasasaksihan ang sobrang dami ng mga namatay sa ating paligid, personal na kakilala at celebrities.


Ibig sabihin, ito na ang eksena ng “apokalipsis”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page