top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagpapalakas ng special education, ngayon na

BULGAR
Jul 3, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 3, 2022


Ginamit natin ang mandatong ibinigay ng ating mga kababayan noong 2019 upang maipagpatuloy ang pagsusulong ng mga adbokasiya at isyung malapit sa atin.


Ilan sa mga isyung ating tinutukan ay naging ganap na batas nitong 18th Congress, sa tulong at kooperasyon ng ating mga kasama sa Mababa at Mataas na Kapulungan at ng Palasyo.


Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan!


Ngayong natapos na ang 18th Congress ay nais nating ibahagi ang ilan sa mga batas na ating isinulong bilang primary author.


☻☻☻


Isa sa ating isinulong ay ang pagpapalakas ng special education system, lalo na para sa mga may special needs.


Kinikilala, pinoprotektahan at isinusulong ng Republic Act no. 11650 ang karapatan sa edukasyon ng lahat ng learners with disabilities. Dapat silang mabigyan ng pantay na oportunidad at tiyaking hindi ito ipagkakait sa kanila.


Dapat magkaroon ng Inclusive Learning Resource Centers of Learners with Disabilities (ILRC) sa lahat ng lokal na pamahalaan sa ating bansa na magsisiguro ng tamang suporta at serbisyo sa mga learner with disabilities at maisama sila sa general education system ng bansa.


☻☻☻


At dahil isa tayong ina, nais nating mabigyan ng mas malakas na proteksyon ang ating mga anak.


Isinulong natin ang pagtaas ng age of consent sa edad 16 mula sa edad 12. Ang amyendang ito sa ating Revised Penal Code ay naging ganap na batas noong Marso 2022 sa pamamagitan ng Republic Act no. 11648.


Ang batas na ito ay upang lalong mapangalagaan ang ating mga anak laban sa pang-aabusong seksuwal at eksploytasyon.


☻☻☻


Sa pagbubukas ang 19th Congress ngayong Hulyo ay lalo pa nating paiigtingin ang pagsusulong ng mga batas para sa kapakanan ng ating mga kababayan.


Excited na ang inyong lingkod na makatrabaho ang mga kasamahan nating bago at nagbabalik Senado.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page