Pagpapa-raffle sa kampanya, bawal — Comelec

ni Jasmin Joy Evangelista | March 10, 2022

Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng pa-raffle sa kanilang campaign activities.
“Pag pumasok na tayo sa mismong campaign period, baka makasuhan sila niyan. So, ang advise natin is not to do that,” ani Comelec spokesperson James Jimenez.
Nagsimula ang campaign period sa national elections noong Pebrero 8.
“Delikado kasi ‘yan at mauuwi ‘yan sa vote buying. So, better not to do it na lang. Otherwise, kung mangyari pa rin ‘yan, makikita pa rin, lahat ng insidenteng ire-report natin ay idudulog natin sa tamang awtoridad, sa law department natin halimbawa, para makita kung may kaso nga at makakasuhan ba talaga,” dagdag pa ni Jimenez.
Nauna nang sinabi ni Jimenez na ang pagsasagawa ng raffle ay isang electoral offense at may parusang pagkakakulong hanggang anim na taon at disqualification maluklok sa anumang puwesto sa gobyerno.





Comments