Pagpalag ng DND sa China, suportado ng iba't ibang grupo
- BULGAR
- Jun 9
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 9, 2025
File Photo: Gibo Teodoro, Jr. / FB
Nagdeklara ng suporta si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia kasama ang kanyang tatlong grupo ng Makabayang Pilipino sa pagpalag ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro sa mga tanong na ibinato ng dalawang mataas na opisyal ng militar ng Tsina, na maituturing umanong pambu-bully sa isinagawang taunang security forum na ginanap sa Shangri-La hotel sa Singapore.
Kasama sa mga sumuporta ang Alyansa ng Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement at Peoples Alliance for Democracy and Reform (PADER) na matagal nang nagpapakita ng kanilang pagtutol sa mga agresibong pag-atake ng Tsina sa Pilipinas na maituturing na paglabag sa kasunduan sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong Disyembre 10, 1982.
Ayon kay Goitia, ang mga binitiwang tanong ng dalawang opisyal ng Tsina ay isang pakana kay Sec. Teodoro upang magbigay ito ng marahas na tugon sa problema ng maritime dispute sa West Philippine Sea (WPS).
Idinagdag pa na ang kanilang grupo ay sumusuporta sa pahayag ni Sec. Teodoro na bagama't ang Pilipinas ay kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ito ay isang sovereign country na may sariling territorial na integridad at soberanya na may respeto sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Samantala, pangungunahan ng PADER ang pagsusulong ng mass actions sa Mendiola at sa harap ng Chinese Embassy sa Makati City habang ang dalawang grupo ng ABKD AT FDNY-Movement ay magra-rally sa harap ng tanggapan ng DND.
Comentarios