Pagmamay-ari ng condominium ng mga banyaga
- BULGAR
- Apr 10, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 10, 2023
Dear Chief Acosta,
Nais kong ibenta ang aking condominium unit, ngunit matumal ang bentahan ngayon dahil sa pandemya. Mayroon akong isang interested buyer, ngunit siya ay isang banyaga. Sa aking pagkakaalala, ipinagbabawal sa ating Saligang Batas ang pagmamay-ari ng real estate ng mga banyaga. Kasama ba sa mga ipinagbabawal dito ang isang condominium unit? –Edgar
Dear Edgar,
Para sa iyong kaalaman, mayroong napagdesisyunang kaso ang Korte Suprema na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Beumer v. Amores, G.R. No. 195670, December 3, 2012 na isinulat ni Retired Honorable Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe:
“Precisely, it is the Constitution itself which demarcates the rights of citizens and non-citizens in owning Philippine land. To be sure, the constitutional ban against foreigners applies only to ownership of Philippine land and not to the improvements built thereon, such as the two (2) houses standing on Lots 1 and 2142 which were properly declared to be co-owned by the parties subject to partition. Needless to state, the purpose of the prohibition is to conserve the national patrimony and it is this policy which the Court is duty-bound to protect.”
Sang-ayon sa nabanggit, ang pagbabawal sa mga banyaga na magkaroon ng pagmamay-ari rito sa Pilipinas ay limitado lamang sa mga lupain. Sa madaling salita, ang mga banyaga ay maaaring bumili ng ibang uri ng real property katulad ng condominium unit at townhouses sa kadahilanang ang mga ito ay improvements lamang na itinayo sa lupa.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments