Paglago ng ekonomiya sa panahon ni P-Duterte, fake news?!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 17, 2022
HIRIT NI INCOMING NEDA SEC. BALISACAN, BUMAGSAK ANG EKONOMIYA SA PANAHON NI P-DUTERTE–Sa interview ng GMA news kay incoming National Economic Development Administration (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan, sinabi niyang pag-aaralan nilang mabuti kung paano maiaahon ang ekonomiya ng bansa, dahil bunaba ito. Kapag sinabing bumaba ay bumagsak.
Kaya ‘yung ikinakalat sa social media ng mga DDS na umunlad ang ekonomiya sa panahon ni P-Duterte ay fake news, period!
◘◘◘
DAPAT PAG-ISIPAN NI P-BBM KUNG IRE-RE-APPOINT NIYA SA DOTR SI TUGADE–Ire-re-appoint umano ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Sec. Art Tugade sa Department of Transportation (DOTr).
Sa panahon ni Tugade sa DOTr ay maraming naghirap na tsuper ng pampasaherong dyip, kaya sana ay pag-isipan itong mabuti ni P-BBM, kung itutuloy pa niyang panatilihin sa puwesto ang kalihim, boom!
◘◘◘
GEN. YARRA, “NGANGA” SA MGA GAMBLING LORDS NA NANRARAKET SA CAVITE, LAGUNA AT BATANGAS–Nagkalat na sa Cavite ang mga saklaan ni alyas Jun Guinto at sa Laguna at Batangas, nagkalat na rin ang mga color games at drop balls ni alyas Baby Panganiban.
Dapat, pag-upo ni P-BBM sa Palasyo ay ipasibak niya agad kay OIC PNP chief Gen. Vicente Danao si PNP region 4-A director Gen. Antonio Yarra kasi “nganga” lang pala ito sa mga gambling lords na nanraraket sa mga taga-Cavite, Laguna at Batangas, boom!





Comments