top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Paglabag ng opisyal sa quarantine protocols, nakadidismaya!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | June 02, 2021



Ngayong nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic ang bansa, kabilang sa mga tungkulin ng nasyonal at lokal na pamahalaan ay ang matiyak na sumusunod ang taumbayan sa mga umiiral na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


Pero, paano kung mismong may posisyon sa gobyerno ang pasimuno sa mga paglabag?


Kaugnay nito, viral ang mga larawan ng mayor sa bayan ng Baggao kung saan makikitang sumasayaw ito nang walang suot na facemask sa isang pagtitipon sa nasabing bayan.


Unang pinagpapaliwanag ng provincial government ang alkalde dahil sa mga kumalat na larawan, ngunit kalaunan ay kinumpirma ng Cagayan Provincial Information Office na nagpositibo sa RT-PCR test ang opisyal.


Matatandaang nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Cagayan dahil sa mataas na kaso ng COVID-19, lalo na sa naturang bayan na sumusunod sa Tugegarao City na may pinakamaraming tinamaan ng virus.


Kung tutuusin, alam nating facemask ang ginagamit na panangga virus, lalo na kung nasa mataong lugar, pero heto at tila walang virus sa paligid.


Nakadidismaya dahil kung sino pa ang dapat manguna sa pagpapatupad at pagsunod sa umiiral na health protocols, sila pa itong pasimuno. Kaya ang ending, sa halip na tularan ng mamamayan na maging disiplinado, nagiging pasaway na rin ang publiko.


Paalala lang sa mga lider d’yan, kaya kayo nasa puwesto ay dahil nagtiwala sa inyo ang taumbayan. Pero kung gagamitin n’yo lang ang inyong posisyon para magpasaway o para sa pansariling interes, baka nga hindi kayo dapat maglingkod sa bayan.


Samantala, panawagan sa mga kinauukulan, tiyaking mananagot din ang mga opisyal na may nagawang paglabag. Patunayan ninyong seryoso kayo sa pagdidisiplina sa quarantine violators — may posisyon man sa gobyerno o wala ang lumabag.


Tandaan na ang mga lider na ito ang dapat maging ehemplo sa kanilang mga residente.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page