Pagkontra sa piyansa ni Revilla, ibinasura

by BRT @News | November 28, 2026

Photo: File / Bong Revilla Jr.
Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang mosyon ng prosekusyon na muling pag-aralan ang desisyong nagpapahintulot kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapagpiyansa sa kasong malversation kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ibinasura rin ng korte ang magkakahiwalay na mosyon ng anim na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na humihiling na baligtarin ang naunang desisyong hindi sila pinayagang makapagpiyansa.
Kabilang sa mga ito sina Brice Hernandez, Arjay Domasig, Jaypee Mendoza, Juanito Mendoza, Emelita Juat at Christina Pineda.
Sa naturang desisyon, nananatiling pinapayagang makapagpiyansa si Revilla, habang hindi pa rin pinahihintulutang makapagpiyansa ang anim na dating opisyal ng DPWH.





Comments