top of page
Brenda Mage - FB.jpg

Dahil sa mga kaso nilang mag-ama... Sara, baon sa utang, magbebenta na ng mga ari-arian

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 28, 2026



Inday Sara Duterte - FB

Photo: Inday Sara Duterte - FB



Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na nangutang siya ng P5 milyon sa dalawang kaibigan noong 2025 upang tustusan ang kanyang mga biyahe sa The Hague, Netherlands, at paghahanda sa kinakaharap niyang impeachment trial.


Sa isang press conference nitong Biyernes, sinabi ni Duterte na nakadeklara ang naturang utang sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).


Aminado rin ang Bise Presidente na malaking gastusin ang pagbabayad sa mga abogado ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).


“Madami pa akong utang. Madaming mga abogado at marami akong utang sa kanila,” ani Duterte.


Plano rin umano niyang ibenta ang ilan sa kanyang mga ari-arian upang matustusan ang mga gastusin na inaasahan niyang mas lalaki ngayong taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page