Hanap na runningmate sa 2028... 'Yung 'di ako i-impeach, papatayin o lalasunin — Sara

ni Mylene Alfonso @News | November 28, 2026

Photo: Sara Duterte - Senate
Nais ni Vice President Sara Duterte na magkaroon ng mapagkakatiwalaang running mate sa kanyang planong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections.
Ayon kay Duterte, mahalagang ang kanyang magiging katambal ay hindi siya “i-impeach, patayin o lasunin.”
Bagama’t wala pa umano siyang napipiling running mate, nagpahiwatig ang Bise Presidente na maaaring lalaki ang kanyang maging katambal sa paggamit ng salitang “he.”
Samantala, inihayag din ni Duterte na hindi na siya mangangampanya para sa mga kandidatong senador sa 2028.
“Pagod na ’ko sa kanila,” ani Duterte.





Comments