Pagkilala sa dedikasyon at sakripisyo... P1K para kay titser

by Mervin Reyes @News | October 2, 2026

Photo: DepEd / File
Nagbigay ang Department of Education (DepEd) ng P1,000 incentive sa mga guro sa buong bansa bilang bahagi ng paggunita sa National Teachers’ Month.
Kinumpirma ni Education Secretary Sonny Angara na nakatanggap ang mga guro ng parehong halaga ng incentive na ibinigay noong nakaraang taon.
Ayon sa DepEd, kabilang sa layunin ng insentibo ang pagkilala sa dedikasyon, sakripisyo at patuloy na paglilingkod ng mga guro sa kabila ng mga hamon sa sektor ng edukasyon.
Tinatayang naglaan ang DepEd ng P900 milyon hanggang P1 bilyon para sa pagbibigay ng incentive sa mga guro ngayong taon.





Comments