Search
  • BULGAR

Pagkatapos i-shutdown ang ABS-CBN, next ang Facebook?!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 1, 2020



PAGSAPIT NG OCT. 14, BAKA SI CAYETANO PA RIN ANG BOSS NG KONGRESO—Bababa na raw si Speaker Alan Peter Cayetano sa puwesto sa Oct. 14, 2020 upang tuparin ang usapang ‘term sharing’ nila ni Marinduque Rep. Alan Lord Velasco.


Ang tanong: Maging speaker nga kaya si Velasco? Magiging speaker lang si Velasco kung hindi siya lalabanan ni Cayetano, pero kapag nilabanan siya, malamang ay pagkatapos ng botohan ng mga cong., si Cayetano pa rin ang bossing ng Kongreso, boom!

◘◘◘

DAPAT TANDAAN NI VELASCO ANG SINABI NI P-DUTERTE NA KUNG KAPOS SIYA NG NUMERO (SUPPORTERS), WALA NA SIYANG MAGAGAWA—Ito ang puwedeng mangyari sa Oct. 14, babakantehin ni Cayetano ang posisyong speaker, tapos d’yan na may magno-nominate kay Velasco para pangunahan ang Kamara, pero kapag may nag-nominate ulit kay Cayetano, labanan na ‘yan, paramihan na ng boto!


D’yan na papasok ang sinabi ni P-Duterte na kung kapos sa numero (supporters) si Velasco para mahalal na speaker, wala na siyang magagawa kung si Cayetano pa rin ang maging boss ng Kongreso, period!

◘◘◘

FACEBOOK, BAKA MATULAD SA ABS-CBN NA PINA-SHUTDOWN NG GOBYERNO—Dahil nagalit si P-Duterte sa pagtanggal ng Facebook sa mga DDS at military pages and groups accounts, pati ang China-based accounts na supporters ng mag-amang Duterte, na ayon sa pamunuan ng FB, kaya tinanggal ang mga ito ay dahil nagpapakalat ng fake news.


Samantala, ayon naman kay Cayetano, iimbestigahan ng Kongreso ang ginawang ito ng Facebook.


Naku, baka sa pag-eksenang ‘yan ni Cayetano ay matulad sa ABS-CBN ang Facebook na pina-shutdown ng gobyerno ang operasyon sa Pilipinas, boom!


◘◘◘


MGA EMPLEYADO NG PHILHEALTH, MAGHANAP NA NG IBANG WORK—Plano ni P-Duterte na buwagin na ang PhilHealth para matanggal ang lahat ng opisyal at empleyado nito at palitan ng mga bagong mamumuno at kawani na hindi sangkot sa korupsiyon.


Dapat ngayon pa lang ay maghanap na ng bagong work ang mga empleyado ng PhilHealth kasi baka mabulaga sila isang araw ay jobless na silang lahat, period!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.