Pagkasawi ng Pinay beauty queen at ng kanyang BF, ikinalungkot ng Israeli embassy
ni Angela Fernando @News | July 7, 2024

Nagpahayag ng kalungkutan ang Israeli Embassy nitong Linggo, dahil sa pagpanaw ng kanilang mamamayang si Yitshak Cohen at ng kasintahan nitong Pinay beauty queen na si Geneva Lopez sa Tarlac.
Matatandaang natagpuan ang kanilang mga katawan nu'ng Sabado ng umaga sa Brgy. Sta. Lucia sa bayan ng Capas.
"The Embassy of Israel in Manila is deeply saddened by the tragic discovery of the cadavers of Israeli citizen Yitshak Cohen and his partner, Geneva Sarita Lopez, in Brgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac," pahayag ng embassy.
Ipinaabot din ng embassy ang kanilang taos-pusong pakikiramay para sa mga pamilyang naiwan ng dalawa.
Hindi naman nakalimutang pasalamatan ng embahada ang mga otoridad para sa kanilang epektibo at matagumpay na imbestigasyon para mahanap ang mga labi ng mag-partner.





Comments