top of page
Search
  • BULGAR

Tubig, ‘wag aksayahin para ‘di pagmultahin

@Editorial | May 2, 2024



Editorial

Lalo na’t bumababa pa rin ang water level ng Angat Dam dahil pa rin sa nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.Kamakailan nang iulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)


Napag-alaman na nasa 90 porsyento ng supply ng tubig sa Metro Manila ay nanggagaling sa Angat Dam.


Kasabay nito ang babala ng ahensya na posibleng bumaba pa ang lebel ng tubig ng dam sa mga susunod na araw dahil sa bihirang pag-ulan na epekto ng El Niño.


Samantala, may babala rin ang isa pang ahensya ng gobyerno -- ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga nag-aaksaya ng tubig. Kung saan, maaari umano nilang matukoy kung sino ang mga ito at puwedeng parusahan o pagmultahin.


Pakiusap ng DENR, magtipid sa tubig para hindi maulit ang nangyari noong pila-balde.


Masasabing napakahirap na ‘di magbabad sa tubig dahil sa matinding init. Kapag hindi nakaligo ng dalawa o tatlong beses, para bang magkakasakit na. Siguro, ang kailangang gawin ay pag-isipan kung paano mas magagamit ang tubig na kinukonsumo sa paliligo.


‘Yung mga napapanood natin sa TV na nakatayo sa batya habang naliligo para masalo ang tubig at puwedeng pambuhos sa banyo ay puwede na ring makatulong.


Kailangan nating magsakripisyo para hindi tayo mas mahirapan. Sa ngayon, masuwerte tayong may tumutulo sa gripo kesa nakapila at nag-aabang sa rasyon.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page