top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pagkain at trabaho, dapat mas tutukan

BULGAR
Nov 10, 2022
1 min read

@Editorial | November 10, 2022


Sa gitna ng kaliwa't kanang taas-presyo at mataas na underemployment, tiniyak ng gobyerno ang food security sa bansa.


Sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 15.4 percent na underemployment rate noong Setyembre. Mas mataas ito kumpara sa 14.7 percent noong Agosto.


Malaking bagay ang mga programa at ayuda na ibinibigay sa mga higit na nangangailangan pero hindi naman ito pangmatagalan solusyon.


Kailangang makagawa ng paraan kung paano mas mapapatatag ang ekonomiya at mabibigyan ng swak na trabaho na may makatarungang pasuweldo ang mga manggagawa. Sa pamamagitan nito, hindi na kakailanganing mangutang ang gobyerno para ipang-ayuda.


Napakasipag, matalino at madiskarte ng mga Pinoy, sadyang kapos lang sa oportunidad.


Matagal na nating alam na lantad tayo sa mga kalamidad, kaya kinakailangan din na epektib na ang mga emergency employment programs at iba pang assistance para matulungan na mabilis na makabangon ang mga nasalanta.


Sa ngayon, umasa tayong kapag natapos na ang Philippine Development Plan 2023-2028, mas gaganda ang labor market ng bansa sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at job facilitation programs.


Habang inaalalayan natin ang mga manggagawa sa kasalukuyan, sinulan na rin nating palakasin ang pundasyon — ang kabataan.


Mas palawakin natin ang edukasyon na may kaugnayan sa paggawa, negosyo at iba pang kaalaman sa ekonomiya. Sa pamamagitan nito, maiiwasan na ang unemployment at underemployment sa kanilang hinaharap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page