Pagka-Pinoy ng mga tao ni P-BBM sa DOTr at LTFRB, nawala na, mas gusto nila gawang China, buwisit!
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | January 7, 2024
ATAKE NI KABATAAN PARTYLIST REP. MANUEL KAY VP SARA, SABLAY! -- Sablay ang pambabatikos ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel kay Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio patungkol sa pag-alis ng mga senior high school (SHS) students sa mga state universities and colleges (SUCs) sa bansa.
Hindi naman kasi si VP Sara ang nag-utos na tanggalin ang mga SHS students sa mga SUCs, kundi si Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, kaya’t sablay talaga ang atake ni Cong. Manuel sa bise presidente, period!
◘◘◘
ANTI-POOR NA SI CHED CHAIRMAN DE VERA, DAPAT SIBAKIN NI P-BBM -- Dapat sibakin ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) si CHED Chairman De Vera dahil anti-poor pala ito.
Karamihan kasi sa mga SHS students na nag-aaral sa mga SUCs ay mula sa mga mahihirap na pamilya, kaya’t malaking problema para sa mga magulang ng mga batang nag-aaral sa mga SUCs ang aksyon na ito ni De Vera dahil kapag naipatupad na ‘yan, tiyak maraming kabataan ang matitigil sa pag-aaral dahil wala naman silang kakayanang mag-aral sa mga pribadong paaralan, tsk!
◘◘◘
MGA TAO NI P-BBM SA DOTr AT LTFRB, MGA CORRUPT? -- Matapos dedmahin ng Dept. of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panawagan ni Speaker Martin Romualdez na huwag nang ituloy ang pag-phaseout sa mga traditional jeepney at UV express, nagpasya na ang House Speaker na imbestigahan ng Kamara ang jeepney modernization program dahil may nakuha raw siyang impormasyon na may corruption dito kaya pinagpipilitan ng DOTr at LTFRB na ipatupad na ang phaseout sa mga lumang pampublikong sasakyan para palitan ng mga bagong electric jeep na gawang China.
Kumbaga, parang sinabi na rin ni Speaker Romualdez na corrupt ang mga “tao” ni P-BBM sa DOTr at LTFRB, boom!
◘◘◘
NAWALA NA YATA ANG PAGKA-PILIPINO NG MGA APPOINTEE NI P-BBM SA DOTr AT LTFRB, KASI ANG MGA TRADITIONAL JEEPNEY NA GAWANG PINOY, PAPALITAN NG MGA E-JEEP NA GAWANG CHINA -- Ang mga appointee ni P-BBM sa DOTr at LTFRB ay parang nawala na ang pagiging maka-Pilipino.
Ang mga traditional jeepney kasi ay gawang Pinoy, tapos ang gustong mangyari ng mga “tao” ni P-BBM sa DOTr at LTFRB ay palitan ang mga ito ng mga e-jeep na gawang China, mga buset!





Comments