Paghuli sa unconsolidated jeepney, iwasang mauwi sa gulo

@Editorial | May 17, 2024

Nagsimula na ang paghuli sa mga unconsolidated public utility vehicles (PUV).
Kasabay nito, tiniyak naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dadaan sa due process ang mga operator at drivers ng mga ito.
Inaasahan ang mahigpit na pagpapatupad ng paghuli dahil sa natapos na ang palugit na kanilang ibinigay.
Ang mga drayber ng mga unconsolidated jeepney na patuloy na bumabiyahe ay maaaring maharap sa isang taong suspensyon at puwede ring pagmultahin ng P50,000 at ma-impound ang kanilang sasakyan ng 30 araw.
Mabigat-bigat ang parusa kaya binabalaan na ang mga unconsolidated driver at operator na huwag nang pasaway.
Umaasa tayo na magiging mapayapa ang pagpapatupad sa PUVMP, huwag naman sanang mauwi sa gulo.
At tulad ng lagi nating panawagan, sana’y matulungan ng gobyerno ang mga tsuper na mawawalan ng kayod. Magiging mas maayos ang paglulunsad ng programa kung lahat ay nasa ayos, walang dehado.



Comments