top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Paghalungkat at pagkumpiska ng gamit na base sa “anonymous tip”, labag sa batas

BULGAR
Dec 6, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 6, 2022


Dear Chief Acosta,


Ang aking anak ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act matapos siyang mahulihan ng pinagsususpetsahang droga sa bag na ipinadala sa kanya ng kaibigan. Nang dinidinig ang kanyang kaso ay lumabas ang katotohanan na ang aking anak ay naging target ng “anonymous tip” na itinawag sa mga pulis nang hindi nagpakilalang indibidwal na nagsabi lamang na may lalaki ang may dalang droga at tinukoy ang kulay at uri ng damit na tumutugma sa aking anak. Dahil dito, siya ay pinababa sa checkpoint at pinabuksan ang ipinadalang bag sa kanya kung saan natagpuan ang sinasabing droga. Hindi ba ito paglabag ng kanyang karapatan laban sa hindi nararapat na paghahalungkat at pagkumpiska ng gamit? - Rose

Dear Rose,


Ang sagot sa iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong People of the Philippines v. Jerry Sapla, G.R. No. 244045, June 16, 2020, Ponente: Honorable Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, kung saan sinabi na ang paghalungkat at pagkumpiska sa gamit ng indibidwal base sa “anonymous tip” ay paglabag sa karapatan laban sa unlawful search and seizure. Ayon sa Korte Suprema:


“The Court correctly explained that law enforcers cannot act solely on the basis of confidential or tipped information. A tip is still hearsay no matter how reliable it may be. It is not sufficient to constitute probable cause in the absence of any other circumstance that will arouse suspicion. Xxx


Therefore, with the glaring absence of probable cause that justifies an intrusive warrantless search, considering that the police officers failed to rely on their personal knowledge and depended solely on an unverified and anonymous tip, the warrantless search conducted on accused-appellant Sapla was an invalid and unlawful search of a moving vehicle. (Emphasis in the original)

Tulad sa kaso ng iyong anak, ang ginawang paghalungkat at pagkumpiska sa gamit ng indibidwal na base lamang sa anonymous tip ay ilegal at paglabag sa karapatang-pantao na inilatag ng ating Saligang-Batas. Dahil dito, hindi maaaring gamitin bilang ebidensya sa iyong anak ang di umano’y nakuhang ilegal na droga sa kanya. Kung wala nang ibang ebidensya laban sa iyong anak, nararapat lamang na ma-dismiss ang kanyang kaso.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page