top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Paggunita ng World Tuberculosis Day, paalala na ‘wag dedmahin ang TB

  • BULGAR
  • Mar 24, 2022
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 24, 2022


Tuwing March 24, ginugunita ang World Tuberculosis Day.


Hindi masyadong napagtutuunan ng pansin dahil sa kasalukuyang pandemya, ngunit patuloy pa rin ang banta ng TB sa bansa.


Ayon kay Dr. Camilo Roa ng Philippine Tuberculosis Society, Inc., nasa 27,000 katao ang namamatay kada taon dahil sa TB. Pang-12 ang TB sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino noong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority.


Sinabi naman ng World Health Organization na noong 2020, 1.5 milyon ang namatay dahil sa TB sa buong mundo.


☻☻☻


Masaklap ang mga datos na ito sapagkat ang TB ay isang sakit na kayang gamutin kung maagap ang pagtugon dito.


Hinihimok natin ang pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang sakit na ito.


Kailangang mapataas ulit natin ang case detection sa bansa, lalo pa’t noong 2020 ay bumaba ng 59 percent ang bilang ng mga pasyenteng nagpapa-test para sa TB dahil sa pandemya.


Kailangan ding lalo pang mapadali ang access lalo ng mga mahihirap sa treatment upang ma-engganyo silang magpagamot.


☻☻☻


May commitment ang Pilipinas noong 2018 sa United Nations High Level Meeting on TB na hanapin at gamutin ang 2.5 milyong TB patients pagdating ng 2022.


Interesado tayong malaman kung umuusad ba tayo sa planong ito, at kung ano ba ang mga dapat gawin at idagdag upang magampanan ang pangakong ito.


Magtulungan nawa ang lahat upang masugpo ang banta ng tuberculosis sa bansa.


☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page