Paggulong ng mga kaso sa Ombudsman, pabibilisin — Remulla
- BULGAR

- Oct 22, 2025
- 1 min read
by Info @News | October 22, 2025

Photo: Boying Remulla FB
Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na target niyang pabilisin ang paggulong ng mga kaso sa Office of the Ombudsman sa ilalim ng kanyang liderato.
Kasunod nito ay isusulong umano niya ang pag-amyenda sa mga panuntunan para paikliin ang evaluation at preliminary investigation kung saan kailangan umanong tapusin ang evaluation sa loob ng 72 oras habang ang preliminary at fact-finding investigation naman ay kailangang matapos sa loob ng 60 araw.
Kasabay nito ay isusulong din umano ni Remulla ang digitalization sa kanilang tanggapan para sa mas mabilis na proseso.
Ang mga inisyatibong ito ay para umano maiwasan ang pagkaantala sa pagbibigay ng hustisya at maipakita ang kredibilidad ng Ombudsman sa paghawak ng mga isyu sa katiwalian sa gobyerno.





Comments