top of page
Search
  • BULGAR

Paggamit ng single-use plastic, iwasan na

@Editorial | July 12, 2023


Patuloy ang panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na iwasan na ang paggamit ng mga single-use plastic gaya ng mga plastik na kutsara, tinidor at bote.

Ito umano ang kadalasang nakukuha sa mga estero, kanal at daluyan ng tubig nang magsagawa sila ng clearing operations.

Kapag nabawasan ang paggamit ng mga single-use plastic, mababawasan ang nasabing basura na itinatapon.

Kaugnay nito, isinusulong din ng waste management programs sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 ang nasabing pagbawas ng paggamit ng single-use plastic para maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila.

Bukod sa pagpapalawak ng mga programa ng gobyerno at mga pribadong grupo, malaking tulong kung makikiisa ang lahat sa pagbabawas sa paggamit ng mga plastik lalo na kung ang kinauuwian lang ay basura.

Nakalulungkot na kahit pa may batas o ordinansa sa mga bayan at lungsod, na bawal gumamit ng plastik, hindi rin maayos na naipatutupad.

Alamin natin ang mga paraan kung paano maiiwasan ang paggamit ng plastik at kung paano ito mare-recycle.


Kailangan ding magsagawa ng mga pananaliksik kung anong bagay o produkto ang puwedeng ipalit sa single-use plastics.

Batid natin na marami tayong problemang hinaharap pero huwag sanang makalimutan ang iba pang bagay na maaaring banta sa ating buhay at sa kalikasan, gaya ng plastik.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page