top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Paggamit ng antigen test kit, ‘di dapat basta-basta

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | January 17, 2022



Habang nauuso ang pagbili ng self-administered antigen test kits online, nagbigay-babala ang Food and Drug Administration (FDA) at ilang eksperto.


Ito ay kasabay ng accreditation process na ginagawa ng FDA para maaprubahan ang ilang brand ng mga test kit.


Paliwanag ni FDA Director General Oscar Gutierrez, malaki ang posibilidad na maling resulta ang makuha kung mali ang paggawa sa test. Kaya babala ng opisyal, maaaring magdulot ng “false sense of security” ang false negative result dahil aakalain ng isang tao na hindi siya makakahawa. Habang ‘pag false positive naman, maaaring mabigay ng takot sa pasyente.


Gayunman, ngayon ay pinoproseso pa ng FDA ang pag-aapruba ng aplikasyon ng dalawang manufacturer ng home test kits.


Dagdag pa rito, hindi inirerekomenda na isagawa ang COVID-19 test nang walang gabay ng medical expert, kasabay ang payo sa mga namimili ng sariling rapid test na iwasan ang pagbili ng isa-isang piraso nito.


At dapat umanong itsek ng mga consumer kung mayroong lisensiya ang tindahang nagbebenta ng medical supplies mula sa FDA.


Matatandaang nabanggit ng DOH na inihahanda na ng gobyerno ang online system, kung saan maaaring i-register ng publiko ang resulta ng mga antigen test nila.


Nauunawaan nating nais makasigurado ng iba kung positibo sila sa sakit, pero kailangan din nating matiyak na tama ang resultang lalabas at hindi ito magdudulot ng kalituhan at takot.


Upang mas malinaw, sana’y ituro rin ng mga eksperto sa publiko ang tamang paggamit ng antigen test kits dahil paraan din ito upang walang masayang na test kit at maiwasan ang kalituhan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page