top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagdiriwang ng buwan ng pelikulang Pilipino

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 22, 2023
  • 4 min read

ni Bong Revilla @Anak ng Teteng | September 22, 2023


Kasabay ng paggunita sa Philippine Film Industry Month sa pangunguna ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na siyang tutukoy sa mga programa, proyekto at iba pang gawain para sa naturang selebrasyon ay isinulong natin ang Senate Bill 2385 o ang AN ACT STRENGTHENING THE POWERS AND FUNCTIONS OF THE INTELLECTUAL PROPERTY OFFICE OF THE PHILIPPINES, AMENDING FOR THE PURPOSE REPUBLIC ACT NO.8293, AS AMENDED, OTHERWISE KNOWN AS THE INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES.


Layon nitong palakasin ang batas hinggil sa industriya ng pelikula na nagsusumikap makapagbigay ng maayos na panoorin hindi lamang para makapagbigay ng saya kung hindi maituro ang daan tungo sa Constitutional right hinggil sa freedom of speech at expression.


Ngunit, sa kabila ng pagsisikap ng sektor ng mga gumagawa ng nilalaman ng mga panoorin kabilang na ang pelikulang Pilipino na malaki ang ginagampanan sa paghubog sa kultura at kasaysayan ay sila pa ang biktima ng mga masasamang loob na nais ilugmok ang buong industriya.


Kung dati ay nasa kalsada ang labanan dahil sa rami ng nagbebenta ng compact disks na naglalaman ng mga piniratang pelikula ay hindi na ngayon dahil santambak na illegal streaming platform na ang naglipana online.


Isang pindot lang ay daan-daang pelikula na ang maaaring pagpilian na libreng mapapanood na pangunahing dahilan kaya unti-unting bumabagsak ang creative industry at sa pamamagitan ng panukalang ito ay madaling mapapanagot ang mga piratang nagdudulot ng pagkalugi sa naturang industriya.


Sa atas ng Coalition Against Piracy (CAP) ay nagsagawa ng survey ang YouGOv Consumer Surveys 2023 at lumabas na halos 60% ng Pinoy consumers ay nanonood ng pirated content.


Mataas din ang hiling mula sa ating mga kababayan na aksyunan ng pamahalaan ang matinding pamimirata online partikular ang mga pelikulang pinaghirapan hindi lang ng mga artista kung hindi ng mga producer na milyon ang inilabas na puhunan.


Bilang bahagi ng industriya ng pelikulang Pilipino ay pinangunahan natin na magsumite ng bagong panukala na maaaring magamit upang labanan ang napakatagal ng problema na matagal nang nagpapabagsak sa industriya ng pelikulang Pilipino.


Mahalaga sa atin ang laban na ito dahil hindi naman kaila sa marami nating kababayan na sa mundo ng showbiz tayo nagsimula mula pagkabata hanggang bago tayo pumalaot sa pulitika at naging chairman din tayo ng Video Regulatory Board (VRB).


Pinamunuan natin ang pinakaagresibong pagtupad sa ating tungkulin bilang hepe ng VRB laban sa mga pirata at napakarami nating nakumpiskang replicating machine at milyun-milyong pirated VCD at DVD na winasak natin sa harap ng publiko.


Ngayon sa ilalim ng mandato ng Presidential Proclamation No. 1085, series of 2021 ay ginugunita natin ang isang buwang selebrasyon ng Buwan ng Pelikulang Pilipino upang alalahanin ang heritage, significance, at legacy ng Philippine Cinema.


Nais ding bigyang pansin ang hindi matatawarang kontribusyon at sakripisyo ng lahat ng stakeholders at sektor sa industriya ng pelikulang Pilipino sa buong buwan ng Setyembre.


Setyembre 12, ang minarkahang kapanganakan ng Philippine Cinema kung saan itinaon ito sa kauna-unahang pelikulang Pilipino na directed at produced feature film ni Jose Nepomuceno na Dalagang Bukid na ipinalabas noong 1919.


Ngunit, bago pa man ang mga karagdagang panukala na isinusulong ng mga kasama natin sa Senado upang maitaas pa ang pagkilala sa pelikulang Pilipino ay napakarami na rin ng ating isinumite simula ng muli tayong mabalik sa Senado.


Narito ang SBN-1656: Philippine Film Industry Month of 2022.-- Ito ang an Act to Designate September as Philippine Film Industry Month and Mandate the Film Development Council of the Philippines to Conduct Events on Various Film-Related Disciplines During its... na isinumite natin noong Enero 12, 2023.


Meron din tayong isinumite na SBN-1655: Philippine Film Archive Act of 2022. Ito ang An Act Maintaining and Preserving Filipino Films, Creating the Philippine Film Archive, Appropriating Funds Therefor and for Other Purposes na inihain din natin noong Enero 12, 2023.


Nauna nating isinumite ang SBN-1521: Philippine Independent Film Industry Incentives Act of 2022.-- Ito ang an Act Granting Incentives to Filipino Independent Films Who Were Granted Honors in Notable International Film Festivals and Appropriating Funds Therefor na inihain natin noong Nobyembre 21, 2022.


Naaalala n’yo pa ba ang SBN-1409: Local Film Industry Development Act of 2022? Ito ang An Act to Promote and Support the Development and Growth of the Philippine Film Industry, Creating for This Purpose the Philippine Film Commission, Defining its Powers and Functions and for... na isinumite natin noong Oktubre 20, 2022.


Lahat ng ito ay patungkol sa ikagaganda ng local film industry na unti-unti nang umuusad na sakaling maisabatas ay malaking tulong at pagkilala sa industriyang matagal ko nang nais tulungan.


Nakapaloob sa Proclamation No. 1085 bilang paggunita sa Philippine Film Industry Month na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay hinihikayat ang lahat ng government agencies at instrumentalities ng national government kabilang na ang government-owned o controlled corporations, state universities at colleges na makipagtulungan sa FDCP sa pagsasagawa ng mga programa at iba pang aktibidades hinggil sa naturang selebrasyon.


Ganyan inaalala ng pamahalaan ang paggunita sa Buwan ng Pelikulang Pilipino!


Anak Ng Teteng!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page