Pagdinig sa Senado kadikit ng pagtakas ni Guo, ipinagpaliban dahil kay ‘Enteng’
- BULGAR

- Sep 2, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | September 2, 2024

Ipinagpaliban ang pagdinig ng isang komite sa Senado tungkol sa pagtakas ni Alice Guo nitong Lunes dahil sa malalakas na ulan sa Metro Manila dulot ng Bagyong Enteng.
Ipinaalam ng opisina ni Sen. Risa Hontiveros na hindi muna itutuloy ang nakatakdang pampublikong pagdinig kung paano nakatakas si Guo mula sa 'Pinas nu'ng Hulyo, habang isinuspinde ni Senate Pres. Chiz Escudero ang trabaho sa Senado nu'ng Lunes dahil sa masamang panahon.
“Suspended po ang hearing on Guo Escape due to inclement weather. We will advise po kailan ang schedule,” saad ni Hontiveros sa kanyang post.
Ang lahat ng ibang pagdinig sa Senado na naka-schedule para sa Lunes, Setyembre 2, ay isinuspinde na rin, kabilang ang pagdinig para sa pinansya sa panukalang 2025 na budget para sa Office of the President at iba pa.





Comments