top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pagdami ng school dropout, pigilan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2024
1 min read

@Editorial | January 6, 2024


Isyu ngayon ang inilabas na kautusan kung saan, pinapatigil na ang State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) sa pag-offer ng kanilang senior high school program.


Ilang mambabatas ang bumabatikos sa nasabing memorandum ng Commission on Higher Education (CHED).


Ayon sa kanila, ang kawalan ng koordinasyon sa pagitan ng CHED at Department of Education (DepEd) gayundin ang kawalan ng konsultasyon sa mga apektadong stakeholder ay magdudulot umano ng 'di maganda.


Kasabay nito ang babala na posible pa umanong dumami ang school dropout rate sa bansa.


Sana hindi naman ito mangyari lalo't naghahabol pa tayo sa mga panahong nalagay sa alanganin ang edukasyon dulot ng pandemya.


Sakali mang maapektuhan ang ayuda at makikipagsiksikan sa mga public high school ang mga estudyante, sana may plano na ang mga kinauukulan kaugnay ng mga ito.


Sa huli, kapakanan ng mga bata at maayos na sistema ng edukasyon ang mas dapat unahin.


At anumang pagbabago, sana ay naisasagawa muna ang malawakang konsultasyon sa lahat ng stakeholders para walang gulo.


Sa ngayon, dahil nand'yan na ang memo, mainam na mas maipaliwanag ng CHED kung ano ang mangyayari at tiyaking walang malalagay sa alanganin. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page