top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagdami ng dengue cases sa bansa, nakakabahala

BULGAR
Jul 3, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 3, 2022


Nagpahayag ng pagkabahala ang isang pediatric group dahil sa mataas na kaso ng dengue sa bansa dahil kabilang sa mga dinadapuan ay ang mga bata.


Ayon sa grupo, nagkukulang ang mga Pilipino sa kaugalian na palaging unahin ang kalusugan.


Gayundin, dahil nananatili ang pandemya, kung saan patuloy ang hawahan ng COVID-19, maaaring mailto ang publiko sa sintomas ng COVID at dengue dahil halos magkapareho lamang ang mga ito.


Samantala, nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang mga sintomas ng dengue ay biglaang lagnat, sakit ng ulo, panghihina, sakit ng kalamnan at kasu-kasuan, pananakit sa likod ng mga mata, walang gana sa pagkain, pagsusuka, diarrhea at rashes sa balat.


Matatandaang umabot sa 45,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang ika-11 ng Hunyo ngyaong taon.


Ayon sa DOH, 45% itong mataas kumpara sa parehong panahon noong 2021, kung saan nasa 31,000 lamang ang kaso sa parehong time period.


Base sa datos, naitala sa Central Visayas ang pinakamataas na kaso ng dengue, kung saan 13% ng bilang ay nagmula sa kanilang probinsya. Sumunod naman ang Central Luzon (12%) at Zamboanga Peninsula (10%).


Samantala, pinaigting ng ahensya ang panawagan sa publiko na mag-ingat at gawin ang 4S— search and destroy breeding places, secure self-protection, seek early consultation at support spraying in hotspot areas.


Sa totoo lang, kahit karaniwang sakit ang dengue tuwing tag-ulan, nakakabahala ang malaking porsyento ng pagtaas ng kaso nito, gayung nalalapit pa ang pagbabalik-eskuwela ng mga bata.


Ngayong tag-ulan, hindi maiiwasang maipon ang mga tubig. Kaya bilang mamamayan, tungkulin nating tiyakin na malinis ang ating tahanan at paligid upang hindi pamahayan ng mga lamok.


Kabay nito, alamin natin kung saan tayo nagkukulang at anu-ano ang mga dapat bigyang-pansin.


Tandaan, hindi lang sa COVID dapat mag-ingat dahil may iba pang sakit sa paligid.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page