top of page
Search
  • BULGAR

Pagdagsa ng Chinese students, kahina-hinala

@Editorial | April 21, 2024



IKINAALARMA ang biglaang pagdami ng mga Chinese student sa lalawigan ng Cagayan.


Ang pagdami ng mga banyagang estudyante ay banta umano sa seguridad ng estado kaya maaaring maging subject din ito sa intelligence investigation.


Sa ilalim ng Executive Order No. 285 series 2000, susuriin ang mga banyagang estudyante at maaari lamang na mag-isyu ang BI ng student visas sa foreign nationals na inendorso ng mga lehitimong paaralan at ng Commission on Higher Education (CHED).


Kaugnay nito, nilinaw naman ng BI na lahat ng paaralan na mayroong mga dayuhang estudyante ay kailangang magsumite ng reports sa BI, CHED at NICA na siyang magmo-monitor sa visa compliance ng mga foreign student.


Sa kabilang banda, dapat na nga bang magkaroon ng seryosong imbestigasyon kaugnay sa biglang pagdagsa ng mga banyagang estudyante mula sa kalapit na bansa na nagsisikap na agawin ang kontrol ng ating maritime security?


‘Yan ang tanong na dapat sagutin ng gobyerno kasunod ng panawagan sa senior House members na suriin ang kahina-hinalang kaso sa Cagayan, na biglang naging host ng mga banyagang estudyante mula sa mainland ng China.


Kailangan ng bansa at ng gobyerno na palakasin ang kakayahan ng Bureau of Immigration na harapin ang banta gayundin ang mga pangangailangan na may kaugnayan sa national security.


Pagtuunan din ang foreign policy at ‘wag basta-basta magpapapasok ng mga banyaga lalo na ngayong tumitindi ang tensyon sa West Philippine Sea sa pagitan ng ‘Pinas at China.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page