top of page

Pagbuo ng OSAPIEA, utos ni P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2023
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 18, 2023




Iniutos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagbuo ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) para tiyakin ang epektibong pagsasama, koordinasyon, at implementasyon ng mga patakaran ng pamahalaan sa pamumuhunan at ekonomiya.


Ipinahayag ni Marcos sa pamamagitan ng Executive Order No. 49 na ang OSAPIEA ay ilalagay sa ilalim ng Office of the President na pangungunahan ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick D. Go.


Saad niya, kailangang pagtibayin pa ang mga mekanismo para sa pagbuo, koordinasyon, at implementasyon ng mga inisyatibong pang-ekonomiya, plano, patakaran, at mga programa ng gobyerno, gayundin ang pagtatatag ng isang malakas na sistema ng monitoring upang masigurong mahaharap ang hamong pang-ekonomiya ng 'Pinas sa kasalukuyan.


Tungkulin din ng OSAPIEA ang pagbibigay ng agaran, napapanahon at epektibong mga payo sa mga ekonomikong usapin. 


Responsable din ang bubuoing opisina sa pagsisigurong ang mga pangako sa pamumuhunan ay maipapatupad at magiging matagumpay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page