top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pagbuhos ng ulan, nagsulputang parang mga kabute, mga illegal gambling sa QC

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 27, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KASABAY NG PAGBUHOS NG ULAN, PARANG KABUTENG NAGSULPUTAN ANG MGA ILLEGAL GAMBLING SA AREA NI QC MAYOR JOY BELMONTE -- Kasabay ng pagbuhos ng ulan, may natanggap tayong impormasyon na parang kabuteng nagsulputan ang mga raket na illegal gambling na STL-con jueteng, lotteng, EZ-2 at ending nina "Brown," "Alan," "Lumbad," "Miranda," "Neth" at "Boy" sa Quezon City.


Abangan natin kung ipag-uutos ni QC Mayor Joy Belmonte kay QCPD Director, Brig. Gen. Redrico Maranan ang pagpapa-“tokhang” sa mga ilegalistang ito na nambibiktima sa mga constituents ni Mayor Joy, abangan!


XXX


SA PANAHON NI EX-MAYOR SONNY BELMONTE WA’ SUGALAN SA QC, SA PANAHON NG ANAK NA SI MAYOR JOY, MERON NG GAMBLING -- Unang namayagpag ang raket na STL-bookies at jueteng nina alyas "Art" at "Bryan Adame" sa QC, halos isang taon nang namamayagpag ang kanilang raket sa jurisdiction nina Mayor Joy at Gen. Maranan, pero wala silang aksyon dito.


Sa totoo lang, sa panahon ng erpat ni Mayor Joy, noong alkalde pa ng lungsod si former QC Mayor Sonny Belmonte, wala itong pinahintulutang magpasugal para raketin ang mga taga-QC, legal o illegal na pasugalan, tablado iyan kay ex-Mayor Sonny Belmonte.

Ewan lang kung alam nina QC Mayor Joy at Gen. Maranan na higit isang taon nang niraraket nina "Art" at "Bryan" ang mga taga-QC, period!


XXX


MGA ‘TONGPATS’ COLLECTOR, LAGOT KAY PNP-CIDG MAJ. GEN. LEO FRANCISCO -- Nitong nakalipas na May 7, 2024 ay ibinulgar natin ang “Magsino Group” na nanghihingi ng “tongpats” sa mga gambling lords sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) kapalit ng ibinibigay nilang proteksyon sa raket ng mga ilegalista.


Ang matindi pa sa ginawa ng “Magsino Group” ay pati pala pangalan ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil ay ipinanghihingi nila ng “tongpats” kaya’t nang malaman ito PNP-CIDG Director, Maj. Gen. Leo Francisco ay agad niyang ipinahuli ang lider ng “Magsino Group,” na si Deanson Magsino.


Kaya ‘yung iba pang “tongpats” collector sa Calabarzon na sina alyas "Paquito," "Rico," "Adlawan," "Dave" at "Chard," lagot kayo, bilang na ang happy days n’yo dahil siguradong kayo ang next target ipahuli ni Gen. Francisco, abangan!


XXX


MGA BATANG PASLIT, NIRARAKET SA COLOR GAMES AT DROP BALLS SA GMA, CAVITE -- May nag-post sa social media na may mga batang paslit na nagsusugal sa raket na color games at drop balls sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.


Dapat aksyunan at ipa-raid agad ito nina Cavite PNP Director, Col. Eleuterio Ricardo at GMA chief of police, Lt. Col. Randy Oliquino, kasi kapag ang video na ito nakarating sa tanggapan ni PNP Chief Gen. Marbil, malamang sibak sa puwesto ang abutin nila, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page