top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagbisita ni Zelenskyy sa 'Pinas, ikinatuwa ni P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando @News | June 3, 2024



File photo

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. nitong Lunes ang kanyang kasiyahan sa pagbisita ni Pangulong Volodomyr Zelenskyy ng Ukraine sa Pilipinas upang talakayin ang mga isyung kapwa hinaharap ng dalawang bansa.


Tinanggap ni Marcos si Zelenskyy sa Malacañang Palace ngayong umaga kung saan sila nagkaroon ng bilateral na pagpupulong. Sinabi niya na masaya siyang makita ang Ukrainian Pres. dahil hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makatagpo ito sa 2024 IISS Shangri-La Dialogue sa Singapore.


Gayunpaman, nagpahayag si Marcos na umaasa siyang ang kanilang pag-uusap ay magkakaroon nang mas magandang pupuntahan sa kabila ng hindi pa natatapos na digmaang kinakaharap ng Ukraine laban sa Russia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page