top of page
Search
  • BULGAR

Pagbigay-pugay sa ating magigiting na manggagawa

@Editorial | May 1, 2024



Editorial

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang ika-122 taon ng Araw ng Paggawa.


Dapat nga ba natin itong ipagdiwang gayung may mga isyu pa ring kinakaharap ang ating mga manggagawa?


Batid natin na marami pa rin ang walang sapat na kinikita para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya, marami ang nahaharap sa hindi patas o ‘di makataong pagtrato mula sa kanilang amo, mayroon pang inaalisan ng hanapbuhay, bukod sa iba pang mga isyu.


Kadalasan pa sa mga ito ay napipilitang mangibang-bansa para makipagsapalaran.


Gayunman, ang lugar kung saan tayo nakatira at nagtatrabaho ay hindi gagana kung wala ang mga manggagawang gumaganap ng kanilang tungkulin.


Hindi lamang sa kung saan tayo nakatira o nagtatrabaho, ang ating bansa ay babagsak kung wala ang ating mga manggagawa na kadalasang hindi pinahahalagahan o hindi man lang nakikita.


Ngayong Labor Day, bigyan natin ng pagpapahalaga ang ating magigiting na manggagawa at ating alalahanin ang kanilang sakripisyo lalo na noong panahon ng pandemya at ngayong nahaharap ang ating bansa sa matinding init ng panahon kung saan nakasaalang-alang ang kanilang kalusugan.


Muli, isang malaking pagpupugay sa ating manggagawa na patuloy na lumalaban sa anumang hirap ng buhay.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page