top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pagbenta ng gamot sa trabaho

BULGAR
Nov 29, 2022
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 29, 2022


Dear Chief Acosta,


Napapansin kong palaging naghahanap ng paracetamol ang aking mga kasamahan sa trabaho. Puwede bang magdala at magbenta ako ng mga over-the-counter na gamot sa aking trabaho para magkaroon naman ako ng extra income? - Orlando

Dear Orlando,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 30 ng Republic Act (R.A.) No. 10918 o mas kilala sa tawag na Philippine Pharmacy Act kung saan nakasaad na:


“Section 30. Dispensing/Sale of Pharmaceutical Products. – No Pharmaceutical product, of whatever nature and kind, shall be compounded, dispensed, sold or resold, or otherwise be made available to the consuming public, except through a retail drug outlet licensed by the FDA.” (Binigyang-diin)

Samakatuwid, ang pagbebenta ng gamot ay maaari lamang gawin sa retail drug outlet na lisensyado ng Food and Drug Administration (FDA). Ibig sabihin, hindi maaaring magbenta ng mga gamot, over-the-counter man o hindi, kung wala kang lisensya galing sa FDA.


Alinsunod sa Section 45 ng R.A. No. 10918, ang paglabag sa nabanggit na probisyon ng batas ay may kaukulang parusang pagkakakulong mula isang taon at isang araw hanggang anim na taon, multa na nagkakahalaga mula P250,000 hanggang P500,000 o parehas na pagkakukulong at multa, ayon sa hatol ng korte.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page