Pagbebenta ng yosi, front lang... Cigarette vendor na tulak, kulong

ni Gina Plenago @News | November 22, 2026

Photo: Kabuuang 53 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P360,400 ang nakumpiska- Circulated
Arestado ang isang 28-anyos na cigarette vendor matapos magbenta umano ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City nitong Sabado ng madaling-araw, Nobyembre 21.
Kinilala ang suspek sa alyas na Jay, na ginagamit umano ang pagtitinda ng sigarilyo bilang front sa ilegal na droga.
Sa isinagawang buy-bust operation, nakabili ang pulisya ng mahigit 14 gramo ng hinihinalang shabu gamit ang P100,000 na marked at boodle money.
Kabuuang 53 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P360,400 ang nakumpiska sa suspek.
Ayon kay Southern Police District Director P/BGen. Rodel Pastor, magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa ilegal na droga upang maprotektahan ang mga komunidad.





Comments